Monday, June 15, 2009
ahinghing everywhere
talagang walang takas ang mga utaw sa A(H1N1), o ahinghing sa Tagalog (imbento ko lang actually) virus na iyan. nananawagan akong umalis na ang virus sa Pilipinas at sa buong mundo. kahit saka na muna matupad yun wish kong world peace. dasal dasal.
posted by tontoronton @ 4:39 PM   0 comments
Friday, June 12, 2009
maling akala
Happy independence day to all Filipinos! Sana malaya nga tayo!

Kahapon pala, nanahimik ako ng biglang may nagtext sa kin, unregistered number:

sino ba naman ang papatol sa ganitong text di ba? naisip ko, baka mamya pag nagreply ako, isang malaking scam pala. neknek nya, hindi ko siya papatulan. ismart ata ako. pero hindi pa nakuntento, nagtext pa uli:

Deadma pa rin ako, sige mag-aksaya ka pa. Bahala ka sa buhay mo hayup ka. Pero maya maya lang, nagulat ako, alam ang pangalan ko!

aba'y tantadu pala to e, nangahas pang banggitin pangalan ko. gusto ata talagang patulan. o baka nakatsamba lang. ewan ko, pero mejo na-misteryohan na ko. maya maya lang nagtext uli:

Ayos. Nadale ako.
posted by tontoronton @ 11:25 PM   0 comments
Sunday, June 07, 2009
wakasan ang gutom
Kaninang umaga lang, tumahak kami sa Manila Yacht Club sa Roxas Blvd para maki-isa sa END HUNGER WALK THE WORLD ISANG HAKBANG PILIPINAS WFP WORLD FOOD PROGRAMME. Hindi ko alam kung ano talaga ang official name, kinopya ko na lang lahat from my tshirt.

So ayun, lumahok nga kami. This was our first time to join a worthy cause. Sa mababang halaga, may tshirt at bandana ka na, maglalakad ka lang ng di-aabot sa kalahating kilometro. Di mo na kelangang pagpawisan at hingalin para lang sa kung sino sinong hindi mo naman kilala. Very easy, can't complain. Pero, matagal lang nga ang waiting time, mashadong maraming cheche bureche pang binabanggit ang magasawang host na sila Vince at Patricia Hizon. Ah the memories of Vince the Prince, naalala ko tuloy. Gusto ko nga tanungin; 'hey mehn, do you still remember how Jolas took you to school?'

Anyway, we just ignored the hosts and took some pictures, pangpatay lang ng oras.

start area ng sosyal version ng alay lakad

We also took advantage of the closed section of Roxas Blvd. Masarap maghabulan, ang luwag luwag. Ako humiga.

beautiful! photo by misis

Finally, nagsimula ng maglakad. Madaming tao, nakakatuwa. There are even some puppies walking with their masters, naka-uniform din sila ng END HUNGER WALK THE WORLD ISANG HAKBANG PILIPINAS WFP WORLD FOOD PROGRAMME. When we reached the meeting point, may stage at may glidecam crane. Ang galing nung glide cam, nagga-glide!!! Sabay kaway lahat ang madaanan, including us. Nakita ko na rin sa personal si Mayor Lim, mukang walang sakit at di nagda-dialysis, matikas pa rin at isang tunay na lalake. Hay men!

We were supposed to stay longer kaso badtrip, may isang di tunay na lalake ang umepal, si Sam Concepcion. Pakinshit, let's move!

ako: kuya dalian mo! kelangan di natin marinig si sam concepcion!
kuya: no problem, panoorin mo muna ito, o ha!

photo by misis, na tumatakbo din papalayo sa stage
posted by tontoronton @ 1:43 PM   2 comments
Tuesday, May 19, 2009
kanta ko yun e

Bad trip si Hayden Kho.

Inagaw nya ang aking ultimate videoke song na "Careless Whisper." Samahan pa ng recently released to the whole wide web na video scandal ng praktis nila ni Katrina Halili, he really owned the song mhen! Ayan tuloy, tuwing maririnig ng misis ko ang kantang yun, hindi na niya naa-associate sa kin. Hay, I'm never gonna dance again.

Walanghiya din tong si Hayden Kho.

As of this writing, kalat na daw and hardcore versions courtesy of his "hayden camera." Di ko pa napapanood. Malamang ideny nyang siyang nagkalat nun. Ewan ko lang kung may maniniwala (baka yun jowa niya lang). Though it's easy to pretend, you know we're not fools. Ang tukmol talaga, hindi na nakuntentong maka-iskor ng mga hot chicks, mang-iinggit pa! Pervert and full of packingshiet, di na nagtira ng respeto.

Bagsak na talaga siya sa criteria ng tunaynalalake dahil bukod sa violation sa manifesto 5 (may abs) at 6 (sumasayaw), e isa siyang kiss and tell type. Go pak urself on video Kho-pal!
posted by tontoronton @ 9:19 AM   1 comments
Sunday, March 22, 2009
mga walang kamatayang tanong
sa talambuhay natin, may mga walang kamatayang tanong tayong matatanggap in major stages of our life. madalas ay maiinis ka na nga sa mga taong akala mo concerned pero wala naman talagang pakialam syo. Here's the list of the top cliche questions with one common answer - mind your own business pakers!

  1. Around puberty... Tule ka na ba (sa boys)? Nagka-regla ka na ba (sa girls)?
  2. Around your teen years...May boyfriend/girlfriend ka na?
  3. In between... anong year mo na anak? kelan ka ga-gradweyt? ano nga ang course mo?
  4. Pag alam na nilang gradweyt ka na...Ano ang trabaho mo at saan?
  5. After your teen years...Kelan ka ikakasal?
  6. At pag nabalitaan nilang kasal o ikakasal ka na...buntis ba?
  7. Pagkatapos ng kasal... kelan kayo magkaka-anak?
  8. At pag nagka-anak ka na...nabinyagan na ba? susundan nyo ba? may bakuna na ba yan? gusto mo ng educational plan?
  9. Pag medyo natanda ka na...kinasal na ba anak mo? may apo ka na? buhay ka pa?!
  10. At anytime in your life pag naglalakad ka lang sa mall... Ma'am/Sir, may credit card na ba kayo?
posted by tontoronton @ 3:05 PM   4 comments
Monday, March 02, 2009
balita
kinasal na ako kay Marge.

yun lang.
posted by tontoronton @ 9:58 AM   9 comments
Wednesday, December 31, 2008
watdapak have i been doing lately

the last quarter of the year has been a very busy one. ebidensya ang matumal kong pag post ng entry dito. Ok lang, bilang naman ng isang kamay ang audience ko e.

anyway, this post is my year-ender. trace back ko lang ang mga nangyari, at ang mga musings na kasama ng mga ito.

work: middle of the year, abandon ship at lumipat sa iba. within my 6-month probationary period, nagawa ko ang mga bagay na never kong nagawa sa mga naiwang kong kumpanya.

  • kumanta live - company christmas party at the SMX convention center, jayjay and tonton performs live. at sa buong buhay ko, ngayon lang talaga kumanta/tumula (spoken word style daw yun) sa harap ng mahigit sa 500 katao. We performed "business time" by flight of the conchords. Mga expats lang daw ang naka-appreciate ng kwento ng kanta. Di na ako nagulat. Hindi pa handa ang mga pinoy para sa ganung klaseng comedy. hehehe,
  • sumali sa liga ng basketball - napanagutan ang pagiging athletic ko. wala kaming naipanalo pero ayus lang. ang mahalaga are the camaraderie and the health benefits. yes, niloloko ko lang ang sarili ko.
  • nag-cheerdance - kasama sa pagsali ko sa liga ang aming spartan cheer. kuha namin ang audience. ang judges hindi.

Matapos ang isang taon, I'm here again thinking of where I am now in my career path. It's definitely not as fabulous as my contemporaries. Ok lang, ARTIST AKO! I'm thankful that I still have a job, considering maraming biktima ng retrenchment dito recently. Safe man, dumami naman ang work, madami rin kasi nagresign. Hindi na pwede ang magpanggap. I really need to manage my time. Sige gagawin ko, starting bukas. Pero balik tayo sa mga nagresign dito, ayun in 6 months of my stay, 8 fellow techwriters resigned - Job, Reina, Rach, Timi, Raymond, Teth, Noems, Allan, and Mark. Ay tanga, 9 pala! Sayang lang kasi nakilala ko sana sila ng husto at nagawang ng magandagandang video. Speaking of farewell videos, di ko pa napapanood ang mga messages ng mga hitad sa emerson. Di pa edited e. Korni nga naman kung ako mag-edit

relationships: On one hand, medyo nababawasan na ang aking social life. Ang aking relasyon with friends, either epekto ng memory gap o talagang busy lang palagi. I used to almost always remember all my friends' birthday and greet them almost always on the same day. Pero malala ang performance ko ngayon. Pagpasenshahan nyo na lang. Kung may one hand, may other hand! Family is doing ok and bonggang bongga naman ang kajowaan. In 2 months time, aasawahin ko na at maglalaro kami ng bahaybahayan forever, forever and ever...I don't wanna close my eyes...

Pero ayun, talagang napakalapit na ng araw ng pamamaalam sa aking single life. Not that I'm worried. Malamang isip bata pa rin ako, pag away ako ni marge, suntok ko siya weeee! Joke lang. Madami pang gagawing wedding-related stuff but hopefully they'll all fall in just in time before she pushes the panic button. anyway for more wedding-related stories, dun na lang kayo sa tisoytangos. After the wedding, jan ko na rin lalagay ang mga couple misadventures namin. This blog will stay shempre, ang ganda ganda nito e.

Gotta go, still have stuff to do. Happy new year na lang sa inyong lahat. Ang message ko, ganun pa rin - spread the love!

posted by tontoronton @ 9:03 PM   1 comments
 
About Me


Name: tontoronton
Home:
About Me:
See my complete profile

Previous Post
Archives
Friendly Friends Links
Spare Time Links
I supot...este support...




Template by
Free Blogger Templates